DALAWANG TOP MOST WANTED INDIVIDUAL, INARESTO SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON SA PANGASINAN

Dalawa sa top most wanted individual sa Pangasinan ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad.
Arestado ang isang 30-anyos na online seller sa bayan ng Bayambang matapos maharap sa walong kaso ng estafa na may piyansang Php 200,000 bawat kaso o may kabuuang Php 1.6milyong halaga.
Naaresto rin ang isang 51-anyos na lalaki na kabilang sa Top 5 Most Wanted sa Mangatarem dahil sa kasong Lascivious Conduct, na may piyansang Php 200,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan ang mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments