Sa kabila ng banta ng COVID-19, tuloy ang manhunt operation ng mga pulis laban sa mga most wanted person sa bansa.
Naaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa magkahiwalay na lugar ang dalawang top most wanted person sa National Capital Region (NCR).
Unang naaresto sa Barangay Zone 5, Sogod, Leyte ang wanted na si Prelan Grama na apat na taon ng nagtatago sa batas na may mga kasong murder, carnapping at robbery.
Si Grama ay sangkot din sa pagpatay kay Police Superintendent Cipriano Herrera, dating Station 3 Commander ng Manila Police District (MPD).
Samantala, ang isa pang top most wanted person na naaresto ng NCRPO ay kinilalang si Jennie Pabito, 47 anyos, residente ng San Lorenzo, Kapitolyo, Pasig City.
Nahaharap ito sa kasong two counts of Qualified Rape sa Regional Trial Court (RTC) Branch 261, Pasig City.