Naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang dalawang Top Regional Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt operations noong Enero 30 at 31, 2026.
Dinakip sa Sudipen, La Union ang Top 3 Most Wanted na nahaharap sa kasong Sexual Assault at Acts of Lasciviousness, habang naaresto naman sa Marikina City ang Top 2 Most Wanted na may kasong Rape, kapwa sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng RTC First Judicial Region.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at sumasailalim sa wastong proseso.
Ayon kay PBGEN Dindo R. Reyes, patunay ang mga pag-aresto sa matatag na kampanya ng PRO 1 laban sa krimen at sa paninindigan nitong itaguyod ang hustisya para sa mga biktima.
Facebook Comments







