Dalawang pugante na may serye ng kasong sexual offenses laban sa mga menor de edad ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa magkahiwalay na manhunt operations noong Disyembre 5, 2025.
Sa Barangay Sapang Dayat, San Ildefonso, Bulacan, nasakote ng Sual Municipal Police Station (MPS) ang Region 1 Top 7 Most Wanted Person, na nakatala rin bilang Top 1 Most Wanted sa municipal level at Top 6 sa provincial level.
Ang suspek, 38 anyos at helper mula Sual, Pangasinan, ay may tatlong kaso ng Statutory Rape na pawang walang piyansa.
Sa hiwalay na operasyon, naaresto naman ng Umingan MPS at San Quintin MPS ang Top 1 Most Wanted Person ng Umingan.
Ang suspek ay 41 anyos, isang magsasaka, at nahaharap sa pitong bilang ng Incestuous Rape, na pawang walang inirerekomendang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting units ang dalawang akusado para sa dokumentasyon at pagproseso ng mga kaso.
Facebook Comments






