Nasawi ang binatang laborer habang naka-confine pa sa ospital ang isa pa nitong kasamang laborer matapos silang makuryente sa bahagi ng Brgy. Road, Brgy. Sta. Catalina, Binalonan, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, umakya ang dalawang biktima sa kanilang sinasakyang truck upang ayusin ang mga nakalaylay na kable ng kuryente gamit ang blue nylon string upang hindi ito sumabit sa kanilang sasakyan.
Habang inaayos ang mga kable, aksidente nilang nahawakan ang high-tension wire dahilan upang sila’y makuryente at nahulog mula sa truck.
Dinala pa ang mga biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ang 21 anyos na biktima habang nagpapagaling pa sa ospital ang 38 anyos na kasama nito.
Samantala, hindi naman nadamay at napahamak ang isa pa nilang kasama na drayber ng truck. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









