Tanggal na sa serbisyo ang dalawang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos na masangkot sa robbery extortion na nakunan pa ng video ng kanilang biktima at nag-viral sa social media.
Kinilala ang mga traffic enforcer ng MMDA na sina Mark James Ayatin at Jayson Salibio.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, napatunayan na lumabag ang dalawang traffic enforcer sa grave misconduct bilang mga magagawa ng gobyerno.
Batay sa kwento ng biktima na si Christ Edward Lumagui, pinatigil ng dalawang MMDA traffic enforcer ang kanyang sasakayan dahil sa traffic violation at hiningi ang driver’s license niya.
Pero kalaunan ay sikretong humingi ng pera ang dalawang traffic enforcer ng MMDA sa biktima na nakuhanan naman nito ng video.
Base sa MMDA Legal Department’s Investigation, ang nasabing video ay malinaw na nagpapakita na ang dalawang traffic enforcer ay gumawa ng robbery extortion kung saan isa itong paglabag sa MMDA policies, rules, regulations at existing laws.