Dalawang transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NCGP) ang naapektuhan ng paghagupit ng Bagyong Agaton.
Ayon sa NGCP, kabilang sa nasira ay ang 138kV Ormoc-Maasin Lines 1 at 2.
Apat na steel towers ng naturang transmission lines ang nasira dahil sa pagguho ng lupa.
Dahil dito nakakaranas ng kawalan ng suplay ng kuryente ang buong Bohol.
Naka-deploy na ang NGCP ng mga tauhan para makapagsuplay ng kuryente ang Ormoc-Maasin line sa Bohol.
Fully restored naman ang power transmission services sa Southern Leyte.
Facebook Comments