DALAWANG TRICYCLE DRIVER NA ITINUTURING NA HIGH-VALUE INDIVIDUALS, TIMBOG

Timbog sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Ilocos region ang dalawang high-value individuals.

 

Sa Pangasinan, arestado ang 40-taong gulang na drayber ng traysikel mula sa Labrador na nakuhanan ng 30 gramo ng shabu na may halagang PhP 204,000.00.

 

Sa Ilocos Sur, nakasamsam ng 11 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PhP 74,800.00 ang awtoridad mula sa 47-taong gulang na drayber ng traysikel mula sa Vigan City.

 

Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng pulisya at Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments