Dalawang Tricycle Patrol ng dalawang barangay, binawi ng Taytay, Rizal Government

Binawi ng lokal na pamahalaan ng Taytay, Rizal ang dalawang Barangay Tricycle Patrol mula sa dalawang barangay.

Kabilang sa kinumpiska ng Taytay, Rizal Local Government Unit (LGU) General Service Operation ang barangay patrol ng Barangay Santa Ana matapos itong masita dahil sa overloading at paglabag sa umiiral na physical distancing.

Ayon kay Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula, nagmatigas pa at tumangging ibigay ng driver ang kanyang driver’s license kaya’t inimpound ang barangay patrol sa munisipyo ng Taytay, Rizal.


Dagdag pa ng alkalde na ang ikalawang barangay patrol na inisyu ng lokal na pamahalaan ng Taytay sa Brgy. San Juan ay dalawang beses na umanong nilabag ang social distancing dahil sa pagsasakay nito ng marami o nagsisiksikan.

Paliwanag ni Mayor Gacula, ang dalawang barangay patrol ay inisyu sa Brgy. Sta. Ana at Brgy. San Juan ng Taytay LGU, subalit dahil sa ginawang paglabag kaya’t kinumpiska ito.

Giit ni Mayor Gacula, walang exemption sa batas ang mga kawani ng kanilang pamahalaan lalo na ngayong may COVID-19 pandemic kaya’t magsisilbi itong babala sa iba pang mga pasaway na empleyado ng gobyerno.

Facebook Comments