Wednesday, February 4, 2026

DALAWANG TUBONG PANGASINAN, TIMBOG SA SAN JUAN, LA UNION DAHIL SA ILEGAL NA PAGSUSUGAL

Timbog ang dalawang lalaki sa isang anti-illegal gambling operation sa bayan ng San Juan, La Union kagabi, Pebrero 3.

Ayon sa pulisya, nahuli sa akto ang mga suspek habang nangangasiwa ng iligal na sugal na kilala bilang “Pinoy Drop Ball,” na labag sa batas na Presidential Decree 1602.

Kinilala ang mga naaresto bilang isang 45-anyos at isang 34-anyos, kapwa walang trabaho at residente ng San Fabian at Mangaldan, Pangasinan.

Nasamsam mula sa kanila ang iba’t ibang gamit na may kaugnay sa pagsusugal kabilang ang labangan o lapangan, apat na tapete, isang tambiolo o inbodo, tatlong pimpong ball at bet money na nagkakahalaga ng limang daan at pitong piso.

Matapos bigyan ng citation tickets, dinala ang mga suspek sa San Juan Municipal Police Station para sa kaukulang proseso ng batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments