Dalawang Tulak ng Droga sa Cagayan, Timbog sa Buy Bust!

Tuguegarao City, Cagayan – Timbog sa magkahiwalay buy bust operation ang dalawang tulak ng droga sa Tuguegarao City at Sanchez, Mira Cagayan nitong araw ng Sabado,May 26, 2018.

Sa ipinarating na impormasyon sa RMN Cauayan, kinilala ang suspek na si Velmor Cabalza, 37 taong gulang, may asawa, tricycle drayber at residente ng Atulayan Norte, Tuguegarao City, samantalang nahuli rin si John Paul Pablico, 28 taong gulang, walang asawa, isang waiter, tubong Pagudpud, Ilocos Norte at kasalukuyang nakatira sa Barangay Centro 2, Sanchez Mira, Cagayan.

Batay sa pangyayari, unang nahuli si Cabalza matapos na maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa isang nagpanggap na buyer at nakuha mula kay Cabalsa ang isang plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, isang piraso ng Php1,000.00, isang itim na cellphone at isang unit ng Zusuki Rider na motorsiklo.


Samantala naaresto si Pablico sa pamamagitan ng isang opisyal ng pulis sa Sanchez Mira na nagpanggap na buyer kung saan ay nakuha mula kay Pablico ang isang plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu at isang piraso ng Php500.00 bilang marked money.

Kaugnay nito, ang dalawang tulak ng droga ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act at naisampa na laban kina Cabalza at Pablico.

Facebook Comments