Arestado ang dalawang lalaking sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Dagupan City Police Office (DCPO) sa Brgy. Bonuan Binloc kahapon, February 8, 2026.
Nasamsam mula sa mga suspek ang isang pakete na naglalaman ng humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may street drug price na ₱34,000, iba pang ebidensya, at marked at boodle money na ginamit sa transaksyon.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa DCPO custodial facility habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Binigyang-diin naman ng pulisya ang patuloy na matibay nilang paninindigan na linisin ang Dagupan mula sa ilegal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








