Dalawang umano’y kidnapper, patay sa operasyon ng PNP- AKG sa San Mateo, Rizal

Nasawi ang dalawang pinaghihinalaang kidnapper sa operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) kagabi, July 23, 2020 sa Brgy. Gulod Malaya, San Mateo, Rizal.

Ayon kay Police Major Ronaldo Lumacod Jr., tagapagsalita ng ng PNP-AKG, ang nasawing umano’y kidnapper ay si Nathaniel James Recto alyas ‘Tonton’ at isa nitong kasamahan na hindi pa nakikilala.

Isisilbi sana ng mga tauhan ng AKG ang tatlong warrant of arrest laban kina Recto dahil sa kasong Kidnapping for Ransom at Illegal Possession of Firearms ngunit nakaramdam si Recto ng kanilang presensya kaya nagmamadali itong tumakas sakay ng motorsiklo kasama ang isa pang suspek.


Habang sakay ng motorsiklo pinaputukan ng mga suspek ang pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na kanilang agad na ikinasawi.

Sa pagiimbestiga ng AKG, si Recto ay kasapi umano ng Cutad Kidnap for Ransom Group at ang kanilang nabiktima ay si Mareanne Dela Rosa noong March 27, 2013 sa Biñan, Laguna.

Nakuha sa dalawang nasawing umano’y kidnapper ay ang isang Caliber 45 at Caliber 38 revolver at gamit nilang motorsiklo.

Facebook Comments