Dalawang US bomber, naharang ng Russia

World – Naharang ng Russia ang dalawang US bomber sa Baltic sea.

Ayon sa Russian defense ministry, nakita nila ang nasabing eroplano ng US sa Russia’s Airspace Monitoring sa state border ng bansa sa Baltic sea.

Agad na itinaboy ng kanilang sukhol-27 fighter jet ang nasabing mga eroplano.


Kasabay nito, kinumprima ng pentagon ang pangyayari at sinabing nagsasagawa lamang sila ng military exercise sa international airspace.

DZXL558

Facebook Comments