Dalawang US Senator, balak maglaan ng 50 million dollars para sa mga Human Rights Groups sa Pilipinas

Manila, Philippines – Naghainng panukala ang dalawang senador mula sa Amerika na maglaan ng limampungmilyong dolyar na pondo ang US government para matugunan ang problema ng ilegalna droga sa Pilipinas.
 
 
Partikular na isinulongni US Senator Ben Cardin at Marco Rubio ang Philippine Human RightsAccountability and Counter Narcotics Act.
 
 
Layunin nitong isulongang tinatawag na public health approach sa problema ng droga sa bansa atsuportahan ang nagtatanggol sa karapatang pantao.
 
 
Ayon kay Rubio, panahonna para suportahan ng gobyerno ng Amerika ang mga organisasyon sa Pilipinas nanangangalaga sa human rights sa gitna ng pinaigting war on drugs ng Duterte administration.
 
 
Idinagdag pa nila Rubio atCardin, mula ng maupo sa pwesto si Pangulong Duterte, umabot na sa mahigit pitonglibong hinihinalang pusher at user ang napapatay sa war on drugs.
 
 
Lubha anilangnakaka-alarma ang mga kaso ng Extra Judicial Killings sa Pilipinas atkinakailangan na itong matigil.
 
 
 

Facebook Comments