Dalawang vaccine doses, epektibo laban sa Delta variant – Palasyo

Nanawagan ang Malacañang sa publiko na kumpletuhin ang kanilang two-dose vaccination para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga available na bakuna sa bansa ay nananatiling epektibo laban sa Delta variant.

Pero kinakailangan aniyang maging fully vaccinated ang mga tao.


Binanggit Roque ang report ng Public Health England (PHE) kung saan ang dalawang dose ng AstraZeneca vaccines ay kayang maiwasan ang pagkaka-ospital ng pasyente.

Para malabanan ang variant, sinabi ni Roque na kailangang palakasin ang prevent, detect, isolate/quarantine, test at treatment.

Mahalaga pa ring sundin ang public health standards.

Ang Delta variant ay 40% hanggang 60% na mas nakakahawa kumpara sa Alpha variant.

Facebook Comments