Dalawang Van sa Cauayan City, Aksidenteng Nagbanggaan!

347

*Cauayan City, Isabela- *Aksidenteng nagbanggaan kahapon ang dalawang Van partikular sa pambansang lansangan ng Brgy Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang driver ng puting van na si Jose Gammad, 59 anyos, residente ng Brgy. Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela, habang kinilala naman ang driver ng pulang Van na si Benson Tamayo, 35 anyos, isang construction worker na residente ng Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan sa Cauayan City Police Station, habang patungo sa isang gusali si Gammad mula sa isang gasolinahan ay aksidente itong nabangga ng paparating na pulang Van na minamaneho ni Tamayo.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ang kabuuang halaga ng pinsala ng dalawang sasakyan habang wala namang nasugatan sa nasabing banggaan.

Facebook Comments