Patuloy na nangongolekta ng samples mula sa swine producing regions ang Department of Science and Technology – Philippine Agriculture, Aquatic, ang Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) at Central Luzon State University (CLSU) para sa posibleng variants ng African Swine Fever Virus.
Ito ay matapos matuklasan ang dalawang variants ng virus mula sa 19 na local samples na kanilang nakolekta.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang initial results ay mula sa DNA Sequencing.
Mahalaga ang impormasyong ito para sa pag-develop ng bakuna at pagbuo ng immunization plan para sa local swine population.
Ang DOST PCAARRD-CLSU research team ay nagsasagawa ng fine-tuning loop-mediated isothermal amplification (LAMP) protocol para sa diagnosis gamit ang dugo at meat samples.
Ang LAMP diagnosis ay nakukumpirma gamit ang PCR tests.