Tuesday, January 27, 2026

Dalawang verified impeachment complaint laban kay PBBM, nai-refer na sa House Committee on Justiice.

Sa plenary session ng Kamara ay pormal ng nai-refer sa House Committee on Justice ang dalawang beripikadong impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Bunsod nito ay nagsimula na ang one-year bar rule alinsunod sa Konstitusyon kung saan wala ng maaring maghain ng dagdag pang reklamong impeachment laban kay President Marcos hanggang January 26, 2027.

Ang unang reklamo ay inihain ni Atty. Andre de Jesus noong January 19 at inendorso ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay.

Ang ikalawang reklamo naman ay inihain kahapon ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN at mga kaalyado, na inendorso naman ng tatlong kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc na kinabibilangan nina Representatives Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers Partylsit, Sarah Elago ng Gabriela Partylist at Renee Co ng Kabataan Partylist.

Inaasahan naman na magkakasa na ang Justice Committee ng mga pagdinig upang madetermina kung “sufficient in form at substance” ang mga impeachment complaint laban kay PBBM.

Facebook Comments