Natagpuan ang umano’y dalawang vintage bombs sa bahagi sa Brgy. Guiset Norte, San Manuel, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, habang hinuhukay ng isang 38 anyos na lalaki ang drainage canal sa kahabaan ng Cerezo St. corner Roxas St. sa nasabing barangay, ay bigla umanong lumitaw ang vintage bombs.
Agad na naireport sa himpilan ng pulisya ang insidente. Na-i-turnover na ang mga ito sa Eastern Pangasinan 6th District EOD and Canine Unit (DECU) Tayug base para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments







