DALAWANG WANTED PERSON, ARESTADO SA PANGASINAN

Dalawang indibidwal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Mapandan at Bugallon, Pangasinan noong Oktubre 27, 2025.

Sa Mapandan, natimbog ng mga pulis ang isang babae sa Barangay Poblacion sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Municipal Trial Court sa Cainta, Rizal, dahil sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o Bouncing Check Law.

May nakalaang piyansang ₱4,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, sa Bugallon, isa pang lalaki ang naaresto sa Barangay Poblacion matapos ipatupad ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu ng Family Court sa Lingayen.

Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Their Children Act. Ang inirekomendang piyansa para sa kaso ay ₱6,000.

Ang dalawang naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments