DALAWANG WANTED PERSON, NAARESTO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON SA ILOCOS SUR

Dalawang indibidwal na may kinakaharap na kasong kriminal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa mga bayan ng Salcedo at Narvacan, Ilocos Sur.

Unang naaresto sa bisa ng warrant of arrest ang isang OFW sa bayan ng Salcedo.

Ayon sa ulat, nahaharapang suspek sa kasong Falsification of Public Document na may inirerekomendang piyansang ₱36,000.00.

Samantala, sa bayan ng Narvacan nadakip naman ng mga operatiba ang isang construction worker para sa kasong Estafa na may inirerekomendang piyansang ₱18,000.00.

Ang mga akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng pulisya para sa kaukulang proseso |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments