Matagumpay na nadakip ng kapulisan ang dalawang wanted person sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Alcala at Urdaneta City bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra kriminalidad sa lalawigan.
Inaresto ng mga tauhan ng Alcala Municipal Police Station (MPS) sa koordinasyon ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang isang 21 anyos na lalaki na residente ng Alcala.
Nahuli ito sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape kung saan walang piyansa ang inirekomenda.
Nasa kustodiya na ng Alcala MPS ang akusado habang hinihintay ang susunod na legal na proseso.
Sa isa pang operasyon, nadakip ng Urdaneta City Police Station (CPS) ang isang 44 anyos na construction worker at residente ng nasabing lungsod.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Bench Warrant of Arrest para sa kasong Theft sa ilalim ng Article 308 ng Revised Penal Code at may 3,000 pesos na rekomendadong piyansa.
Dinala ang akusado sa Urdaneta CPS para sa wastong disposisyon.









