Friday, January 16, 2026

DALAWANG WANTED PERSONS, MAGKAHIWALAY NA NAARESTO SA ABRA AT TARLAC

Dalawang Other Wanted Persons (OWP) ang magkahiwalay na naaresto ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon, kahapon bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso sa batas.

Bandang 8:45 ng umaga, isang wanted person ang naaresto sa Barangay Sinapangan, Bangued, Abra. Ang operasyon ay pinangunahan ng 101st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB 1) bilang lead unit, katuwang ang CIDG Abra Provincial Field Unit, Bangued Municipal Police Station (MPS), Abra PIT RIU 14, at 2nd Abra Provincial Mobile Force Company (PMFC).

Ang akusado ay isang lalaki at residente ng Sinapangan, Bangued, Abra. Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may inirekomendang piyansa na ₱5,000.00.

Matapos ang pag-aresto, ang akusado ay itinurn-over sa kustodiya ng CIDG Abra PFU para sa karaniwang booking procedures bago ibalik ang WOA sa hukuman na pinagmulan ng kaso.

Samantala, bandang 1:15 ng hapon ng parehong araw, isa pang wanted person ang naaresto sa Barangay Banaoang, Moncada, Tarlac. Ang operasyon ay isinagawa ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) bilang lead unit, katuwang ang San Manuel Police Station, Tarlac.

Ang akusado ay isang 27-anyos na babae at residente ng San Manuel, Tarlac. Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property, na may inirekomendang piyansa na ₱36,000.00.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng San Manuel Municipal Police Station habang isinasagawa ang mga kaukulang proseso para sa kanyang pagharap sa korte.

Patuloy namang pinaiigting ng kapulisan ang kanilang operasyon upang masigurong napapanagot sa batas ang mga wanted persons at mapanatili ang kapayapaan sa mga komunidad.

Facebook Comments