Cauayan City, Isabela- Timbog ngayong araw ang dalawang wanted person na lalaki na lumabag sa City Ordinance no.47-2020 in relation to Isabela Provincial Ordinance no.2020-15-1 series of 2020 na kinilalang sina Gilbert Villareal, apatnaput anim na taong gulang, walang asawa, at Camilo Bartolome, tatlumput anim na taong gulang, parehong bodegero at residente ng Research, Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.
Nahuli sina Bartolome at Villareal sa Research Brgy. Minante Uno sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Mary Jane Socan -Soriano ng MTCC, Second Judicial Region, Cauayan City, Isabela.
Ayon sa akusadong si Villareal, habang siya ay nagmamaneho ng elf truck noong kasagsagan ng lockdown noong nakaraang taon ay nakita umano sila ng kapulisan na walang suot na face mask.
Mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan na halagang tig- dalawang libong piso.
Kaugnay nito, inihayag ni Villareal na maglalagak din agad ito ng kanyang piyansa upang sa ganon ay hindi na ito makulong.
Facebook Comments