Dalawang wanted persons ang naaresto ng mga awtoridad matapos ang isang buy-bust operation na isinagawa bandang 10:45 ng gabi, kahapon sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Ang operasyon ay isinagawa ng Mangaldan Municipal Police Station (MPS) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 1 (PDEA RO1).
Naaresto ang isang 41-anyos at isang 26-anyos na mga lalaki, pawang mga truck driver, at residente rin ng nasabing bayan na kinilalang street-level individual (SLI).
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ng mga operatiba ang mga sumusunod na ebidensya na humigit-kumulang isang gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na ₱6,800.00, at ₱1,000.00 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangaldan MPS at mahaharap sa kaukulang kaso kaugnay ng iligal na droga, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.








