Timbog ang dalawang wanted person sa magkahiwalay na pagpapatupad ng warrant of arrest kaugnay ng kasong illegal recruitment sa bayan ng Agoo, La Union noong Enero 21, 2026.
Unang isinilbi ng Agoo Municipal Police Station ang warrant of arrest laban sa isang 36-anyos na indibidwal, walang trabaho at residente ng Itogon, Benguet.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Illegal Recruitment na may inilaang piyansang Php200,000.00.
Ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Agoo MPS.
Samantala, isang hiwalay na warrant of arrest ang isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng Sto. Tomas Municipal Police Station bilang lead unit at LUPIU laban sa isa pang 36-anyos na indibidwal, walang trabaho at residente rin ng Itogon, Benguet.
Ang akusado ay nahaharap sa kasong Illegal Recruitment sa ilalim ng Republic Act 10022 na may inilaang piyansang Php30,000.00 at nananatili sa kustodiya ng Agoo MPS para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.







