Sa Northern Luzon, may umiiral na frontal system na magdadala ng mga mahihinang pag-ulan sa Cordillera Region, Batanes at Cagayan.
Habang sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at pulo-pulong pag-ulan.
Makakaranas naman ng isolated light rains sa Visayas at Mindanao habang magiging bahagyang maulap sa Luzon bunsod ng easterlies.
Sa Metro Manila, maaliwalas pa rin ang panahon pero magiging maalinsangan sa tanghali o hapon.
May nakataas ding gale warning sa northern seaboard ng northern luzon partikular sa batanes, babuyan group of islands, calayan at ilocos norte kaya bawal munang pumalaot lalo na ang maliliit na sasakyang pandagat.
Facebook Comments