Dalawang linggong isinailalim sa lockdown ang Zones 5 at 6 ng Barangay Balabag sa isla ng Boracay.
Kasunod ito ng biglaang paglobo ng kaso COVID-19 sa isla.
Simula kahapon, March 28, isinailalim na ang dalawang zones sa lockdown na tatagal hanggang sa April 10.
Sa utos ni Malay acting Mayor Floribar Bautista, bawal muna ang operasyon ng food parks at restaurants na may entertainment, live bands at organized parties.
Pero paglilinaw ng opisyal, bukas pa rin sa turista ang Boracay Island pero dapat silang magpakita ng kanilang negative RT-PCR test result bago makapasok sa mga establisyimento.
Base sa tala ng Municipal Health Office, umabot na sa 80 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa buong Malay kung saan 65 rito ay galing sa tatlong barangay sa Boracay.