DalawBakuna program, ipinapatupad sa Valenzuela City

Ikaw ba ay bedridden na senior citizen at Person with Disability (PWD) o may kapansanan?

Ang solusyon dyan ng Valenzuela City government ay ang pagpapatupad ng programang DalawBakuna.

Mismong mga health workers ang pupunta sa bahay ng mga hindi pa nababakunahan pero walang kapasidad na makapunta sa vaccination center.


Kailangan munang magparehistro sa valenzuela.gov.ph/vcvax/dalawbakuna.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ang bawat registrant ng #VCVax DalawBakuna ay tatawagan muna para sa assessment at evaluation bago mabigyan ng schedule.

Kahit umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Valenzuela ay patuloy ang pagbabakuna bilang proteksyon sa virus.

Sa ngayon ay pumalo na sa 1,175 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela.

Facebook Comments