DALIAN TRAINS | Buong refund, iginiit ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Koko Pimentel III sa pamahalaan na ikansela ang kontrata sa Dalian Locomotive and Rolling Stocks Company at i-refund ang 3.8 billion pesos na ibinayad dito.

Ang nabanggit na salapi ay kapalit ng 48 light rail coaches para sa Metro Rail Transit o MRT-3.

Ang nabanggit na mga bagon ay nai-deliver na sa bansa noong 2016, pero hanggang ngayon ay hindi pa nagagamit dahil hindi akma sa ating train system at masyado mabigat sa riles ng MRT.


Nais ni Senator Pimentel, na tuluyan ng i-blacklist ang Dalian Company o ipagbawal na makipagtransaksyon at pumasok sa anumang kontrata sa gobyerno.

Facebook Comments