Mapapakinabangan na ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 bago mag-Pasko ang Dalian trains na binili ng dating administration sa China.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan – inaasahang makakatulong na ito sa operasyon ng MRT-3
Dagdag pa ni Batan – ang mga riles na ipapalit sa mga lumang nakakabit sa linya ay nakaalis na ng Japan.
Humingi naman ng pang-unawa ang transportation department lalo na at mahirap i-rehabilitate ang MRT-3 habang ito ay fully operational.
Facebook Comments