
Balik-biyahe na ngayong araw ng Pasko, December 25, ang isang 3-car Dalian train set ng Metro Rail Transit (MRT) 3.
Layon ng pag-deploy ng mga karagdagang bagon na makapagsakay ng mas maraming pasahero ngayong holiday season.
Ang deployment ng mga Dalian trains ay kasabay ng huling araw ng “12 Days of Christmas: Libreng Sakay” ng Department of Transportation (DOTr) sa Light Rail Transit (LRT) 1, LRT-2 at MRT-3, kung saan lahat ng pasahero ay maaaring mag-avail ng free ride.
Tiniyak ng Transportation Department na dumaan sa masusing safety at utilization procedures ang mga tren para matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero.
Aabot sa 1,156 na mga pasahero ang kayang maserbisyuhan kada biyahe ng isang Dalian train set.
Facebook Comments









