Dallas Mavericks, nakapagtala ng pinakamataas na NBA halftime lead score sa laban kontra Los Angeles Clippers

Naitala ng koponang Dallas Mavericks ang National Basketball Association (NBA)-record 50-point halftime lead laban sa koponang Los Angeles Clippers.

Ito ay matapos umiskor ang Mavericks ng 77-27 sa first half ng laro.

Ayon sa Elias Sports Bureau, ito ang pinakamalaking halftime margin sa kasaysayan ng NBA kung saan nalampasan nito ang record ng Golden State Warriors na 47-point halftime lead kontra Sacramento Kings noong 1991.


Nabatid na kumamada ang point guard na si Luka Doncic ng Mavericks ng 18 points sa first half habang 15 points naman ang naiambag ni Josh Richardson dahilan upang magwagi ang Mavericks sa iskor 124-73.

Facebook Comments