Dallas Mavericks, tinalo ang Oklahoma City Thunder; 105-103

27

Tinalo ng Dallas Mavericks ang Oklahoma City Thunder sa kanilang naging laban kanina sa NBA.

Nanalo ang Dallas sa score na 105-103 kung saan nanguna sa Mavericks ang kanilang rookie na si Luka Doncic na may 25-points.

Dahil sa panalo, umangat sa ika-labing dalawang pwesto ng team standings sa Western Conference ang Dallas na may 1`7 na panalo at 18 na talo.

Samantala, kumamada naman ng 27 points si Kawhi Leonard para makuha ng Toronto Raptors ang panalo kontra Chicago Bulls sa score na 95-89.

Facebook Comments