Daloy ng Koryente sa Ilang Bahaging Sakop ng ISELCO 1, Nakatakdang Maibalik Hanggang Nov. 15!

Inaasahan na hanggang sa Nov.15 ,2018 pa maibabalik ang daloy ng koryente sa ilang mga lugar na sakop ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 1 habang sa November 6 naman sa sakop ng ISELCO 2.

Sa panayam kay Usec Felix William Fuentebella ng Departmentment of Energy, sinabi niya na may anim na bayan na ang partially restored habang kasalukuyan ding inaayos ang mga poste at kable ng kuryente sa ilang mga bahagi ng Santiago City, Cauayan City, Ramon, San Mateo, Cabatuan at Alicia.

Aniya, kasalukuyan din umanong inaayos ang mga linya ng koryente sa mga bayan ng Luna, Echague, San Isidro, Jones, San Agustin, Angadanan, San Guillermo at Cordon.


Samantala, may labing tatlong municipalidad ang partially restored na sa sakop ng ISELCO 2 at ang bayan neg Burgos, Sta. Maria, Mallig, Quirino at Quezon ang kasalukuyang inaayos sa ngayon upang maibalik ang daloy ng koryente.

Facebook Comments