Daloy ng trapiko sa bahagi ng Rizal Avenue, apektado matapos mabundol ng motorcycle rider ang isang senior citizen

Nagdulot ng mabagal hanggang pagsikip ng daloy ng trapiko sa bahagi ng Rizal Avenue sa Maynila partikular ang papuntang Caloocan City.

Ito’y matapos mabangga ng motorcycle ang isang babaeng senior citizen bago mag-alas 6:00 ng umaga.

Kwento ng driver ng motorsiklo na isang waiter, biglang tumawid ang lola kaya’t hindi na niya nakontrol ang manibela at nabanggang ito.

Nabatid na papauwi na sana siya sa Valenzuela City at binabaybay ang Rizal Avenue kung saan pagsapit sa kanto ng Tambunting Street ay doon nangyari ang insidente.

Sa pagresponde namamn ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nasawi ang 81-anyos na senior citizen matapos bumagok ang ulo nito habang ang driver ng motorsiklo ay dadalhin sa malapit na ospital saka isasailalim sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD).

Facebook Comments