Daloy ng trapiko sa Elliptical Road, asahan na bibigat bukas ng umaga dahil sa isasagawang Run for Hope Activity

Nag-abiso ang Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) sa mga motorista na asahan ang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng Elliptical Road sa Quezon City bukas ng umaga, June 1.

Ito ay dahil sa isasagawang Run for HOPE 2024 – Organ Donation Awareness Run na pangungunahan ng Human Organ Preservation Effort ng National Kidney and Transplant Institute.

Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa Quezon Memorial Circle mula 3 AM hanggang 9 AM.


Magtutulungan naman ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) upang maisaayos ang daloy ng mga sasakyan sa lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala.

Facebook Comments