Patuloy ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA northbound dahil sa ongoing emergency leak repair na ginagawa ng Manila Water.
Pasada alas-7:00 ng ngayong umaga nang mai-report sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kaugnay sa nasabing water leak sa EDSA Northbound Boni Avenue sa Mandaluyong.
Sa kasalukuyang oras umabot na ang tail end ng traffic sa EDSA-Tramo northbound.
Ayon sa pamunuan ng MMDA, tinamaan ng Contractor ng MMDA na Awin Construction ang tubo ng Manila Water kaning umaga na agad naman ito binigayan ng tugod at hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang repair.
Sanabi rin ng MMDA na gagawin permanent repair mamayang gabi.
Payo ng ahensya sa mga motorista na dadaan sa nasabing lugar na gumamit muna ng alternatibong ruta upang hindi maabala sa kanilang biyahe.