Mas mabigat ngayong araw, Dec. 31 ang lagay ng daloy ng trapiko sa lalawigan ng Pangasinan kasunod ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Naranasan din kahapon, Dec 30 ang mabagal na usad ng trapiko sa mga pangunahing kakalsadahan sa lalawigan.
Bunsod ito ng mga nagsulputang parehong pampubliko at pribadong mga sasakyan na bumabyahe para sa nasabing pagdiriwang.
Sa Dagupan City, dagsa ng maraming tao ang mga pampublikong pamilihan upang makapamili ng kakailanganin para sa selebrasyon tulad ng mga karne, ihahandang pagkain at mga bilog na prutas.
Samantala, asahan pa na sa sunod na araw ay muling bibigat ang daloy ng trapiko dahilan na mas madami pa ang magsisi-uwian at magsisibalikang mga biyahero. |ifmnews
Facebook Comments