Dalupiri Island sa Cagayan, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol —PHIVOLCS

Courtesy: PHIVOLCS-DOST | X

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Dalupiri Island o Calayaan sa katubigang bahagi ng Cagayan alas-9:48 ngayong umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol sa lalim na 10 kilometro.

Wala naman naitalang anumang intensity at hindi naramdaman ang pagyanig sa anumang bahagi ng bansa at wala ring inaasahang aftershocks.


Nilinaw rin ng PHIVOLCS na hindi rin ito magiging sapat ang lakas nito para makabuo ng isang tsunami.

Facebook Comments