Ang pinakamalaking dam sa Pilipinas at ika-16 sa buong mundo na San Roque Dam sa nasa pagitan ng San Manuel, San Nicolas Pangasinan at Itogon Benguet ay nagbukas ng isa pang gate nitong hapon lamang ganap na 2:00 pm ayon sa National Power Corporation.
Sa kabuuan nasa limang gate na ang bukas dahil mabilis ang pag-akyat ng lebel ng tubig nito na nasa 287.10 masl na. Ang gate 1 at 2 ay nagpapakawala ng 1 meter, gate 3 na nasa 0.5 meter, at gate 5 & 6 na nasa 2 meters. Sa kabuuan nasa 1,192 cms ang inflow nito at nasa 1,378 cms ang outflow.
Diretso ang tubig mula sa nasabing dam sa pangatlong pinakamalaking river system sa bansa, and Agno River na may habang 221 kilometro.
Kaya naman naka alerto ngayon ang 17 bayan at 1 siyudad sa Pangasinan. Ito ang mga bayan ng Tayug, San Manuel, Sta. Maria, Sto. Tomas, San Nicolas, Asingan, Rosales, Alcala, Aguilar, Villasis, Bautista, Bayambang, Mangatarem, Urbiztondo, Lingayen, Labrador, Bugallon, at San Carlos City.
Pinapayuhan ang mga nasa malapit mismo sa ilog at low lying areas na kabilang sa Agno River System na maging alerto at lumikas kung kinakailangan.