Aabot na sa ₱4.25 bilyon halaga ng imprastraktura ang nasira ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, na sa limampu’t dalawang road sections pa aniya ang sarado ngayon at hindi pa madaanan ng mga sasakyan dahil sa landslide, makapal na putik, mga natumba na puno at baha.
Sa naturang bilang, labing apat na kalsada ay nasa CAR, isa sa Region 1, labing tatlo sa Region 2, walo sa Region 3, pito sa Region 4-A, walo sa Region 5 at isa sa Region 8.
19 naman na ang national road na may limited access habang 40 mula sa 92 na naisarang kalsada ang nalinis na.
Inaasahan naman ng kalihim na maaari ng madaanan ang mga kalsada bukas, November 14, 2020.
Facebook Comments