DAMBUHALANG BOLA NG VOLLEYBALL, AGAW-PANSIN SA BINALONAN SPORTS FEST DAY 5

Umigting ang saya at tawanan sa ikalimang araw ng LGU Binalonan Sports Festival matapos ipakilala ang isa sa pinakaaabangang laro, ito ang Giant Volleyball, gamit ang bola na halos kasing-laki ng isang tao.
Sa gitna ng masiglang sigawan at hiyawan ng mga manonood, nagpasahan at nagsalpukan ng higanteng bola ang bawat koponan. Hindi biro ang hamon dahil bukod sa laki at bigat ng bola, kailangan din ng matinding koordinasyon, lakas ng katawan, at solidong teamwork upang maka-iskor.
Higit pa sa laro, naging parang pista ng tawa at saya ang karanasang ito. Bata man o matanda, lahat ay napasama sa kasiyahan. Marami ang hindi nakapagpigil mag-video at mag-selfie habang tumatalbog ang dambuhalang bola sa gitna ng court.
Bagama’t tampok din sa naturang araw ang Amazing Race na sumubok sa bilis at talino ng mga kalahok, malinaw na ang Giant Volleyball ang naging crowd favorite sa Sports Fest Day ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments