Aminado si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na may mga pagsubok sa paggamit ng mother tongue language sa pagtuturo sa maraming lalawigan sa bansa.
Sinabi ni Gatchalian na hanggang sa ngayon ay wala pa silang mabuong rekomendasyon kaugnay sa implementasyon ng Mother Tongue Based Multilingual Education program.
Ipinaliwanag ng senador na kasama sa nagiging problema sa implementasyon ng programa ay ang dami ng dialects na ginagamit sa bansa na umaabot aniya sa mahigit 200 subalit 19 lamang na dayalekto ang nagawan ng libro.
Target naman na bago matapos ang taon ay maipatupad na ang mga hakbangin sa pagsasaayos ng programa.
Kabilang naman aniya sa posibleng gawin ay una, tanggalin na ang mother tongue language bilang medium of instruction o tanggalin ito bilang subject o pareho at bigyan ng flexibility ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng programa.
Batid din ng senador na isa sa nagpapahirap ay ang pagiging centralized ng programa kaya’t maraming kumplikasyong nararanasan dahil na rin sa iba’t ibang lenggwahe mismo sa isang lugar.