Manila, Philippines -Inaalam ng Laguna PNP kung gaano karami ang marijuanang inihahalo sa mga candy.
Ito’y matapos madiskubre ang bagong modus kung saan binebenta ang mga chocolate at jelly na may halong marijuana sa mga college student sa San Pedro, Laguna.
Sa interview ng RMN kay Laguna PNP Director, Senior Supt. Cecilio Ison Jr. – kahit kakaunti lang na marijuana ang inihalo sa candy ay posibleng makaapekto ito sa kalusugan.
Sinabi rin ni Ison na natutunan ng mga suspek ang paggawa nito sa pinanood nilang video sa YouTube.
Inaalam na ng pulis ang lawak ng bentahan ng nasabing modus at posibleng supplier ng marijuana ng dalawang naarestong suspek.
Samantala, pinalakas na nila ang intelligence monitoring at pakikipagtulungan sa mga eskwelahan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558