Dami ng namatay at pagkasira ng mga ari-arian, napigilan sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding dahil sa maagap na pagpapalabas ng tubig sa mga dam ayon sa NIA

Napigilan ang malawakang pagbaha at peligro sa buhay ng maraming tao sa ginawang maagap na pagpapalabas ng tubig sa ilang dam sa bansa sa nagdaang pananalasa ng Super Typhoon Karding.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda na Sabado pa lamang ay sinimulan na nila ang pagpapalabas ng tubig lalo na sa Magat Dam at natapos sila ng Lunes ng hapon.

Aniya pa, 1 meter gate lamang ng Magat Dam ang kanilang binuksan noong Sabado at nakontrol naman ang tubig mula sa lakas ng bagyo at hindi na kinailangan pang magbukas ng isa pang gate.


Maganda aniya ang naging resulta nito dahil nakontrol naman ang takbo ng tubig pati sa river system ng rehiyon kaya hindi ito umapaw at hindi nagresulta ng malaking pagbaha sa Aurora at Isabela.

Una nang pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agency nang manalasa ang Bagyong Karding dahil sa pagiging maagap ng mga ito.

Facebook Comments