Manila, Philippines – Umalma ang National Union of People’s Lawyer o NULP sa bantang pagpapaaresto ng Malacañan sa mga miyembro ng komunistang grupo.
Sa isang statement, iginiit ng NULP na ito ay maitituring na deklarasyong ng open season o malayang pagdampot sa mga kritiko at kalaban ng adminitrasyon.
Ayon kay NULP Secretary General Atty. Efren Cortes, maliwanag pa sa sikat ng araw na inilalatag ng pamahalaan ang mapaniil nitong patakaran.
Aniya, ang bantang pag-aresto at pagsasampa ng kaso sa mga miyembro ng lihitimong people organization ay hindi papasa sa legal na pagsusuri.
Facebook Comments