Mapanganib na antas pa rin ng heat index ang posibleng maranasan sa ilang lugar sa bansa ngayong Martes.
Sa heat index record ng PAGASA, tinatayang papalo sa 44° Celsius ang damang init sa Roxas City, Capiz.
Habang 43° Celsius sa Dagupan City, Pangasinan; Aparri, Cagayan; Iloilo City; Dumangas, Iloilo; Pili, Camarines Sur at Aborlan, Palawan.
Aabot naman sa 42° Celsius ang heat index ngayong araw sa NAIA Pasay City; Puerto Princesa City, Palawan; Catarman, Northern Samar at Cotabato City.
Kahapon, naitala ang pinakamataas na heat index sa Dagupan City na umabot sa 45° Celsius.
Muli namang nagpaalala ang Department of Health sa publiko na iwasang magbabad sa sikat ng araw sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon at ugaliing uminom lagi ng tubig.