Dangerous Drug Board (Ddb), Tiwalang Mababawasan Ang Halos Limang Milyong Pilipinong Nagsasabing Nakaranas Gumamit Ng Il

6

MANILA – Positibo angDangerous Drugs Board (DDB) na mababawasan pa ang halos limang milyong pilipino na nagsasabing nakaranas silang gumamit ng iligal na droga nang hindi bababa sa isang beses sa buhay nila.Ito ay base sa inilabas na resulta ng kanilang survey na isinagawa noong December 2015 hanggang February 2016.Sa interview ng RMN kay DDB Sec. Benjamin Reyes, sinabi niya na karamihan sa mga ito ay aminadong hindi nila alam kung saan hihingi ng tulong kaugnay sa problema ng iligal na droga.Aniya, ang top 3 na madalas na ginagamit na iligal na droga ay marijuana, shabu at cocaine.Nabatid na halos dalawang milyon mula sa kabuuang bilang ang patuloy na gumagamit nang isagawa ang survey.Isinagawa ito ng Resources, Environment and Economic Center for Studies sa limang libong respondents na may edad na 10 hanggang 69-anyos.

Facebook Comments